ANG BUOD NG KABANATA 7: Simoun
Kabanata 7:Simoun
Malapit sa puntod na pinanggalingan ni Basilio may nakita siyang di
kakilalang lalaki sa malayo at yun ay si Simoun. Naghuhukay ang alahero,
walang suot na salaming asul kaya naman nagbago ang anyo nito.
Kinilabutan si Basilio dahil alam niyang ito rin ang di kilalang lalaki
na humukay ng paglilibingan ng kanyang ina labintatlong taon na ang
nakalipas, higit na matanda nga lamang ngayon, may puti na ang buhok,
maybigote at balbas ngunit iyon parin ang mga mata nito at ang mapanglaw
na mukha.
Naisip niya na samakatuwid na ang namatay o naglaho na tagapagmana ng
lupaing ito ay walang iba kundi ang alaherong si Simoun—napagtagpi-tagpi
na ni Basilio na si Simoun nga si Crisostomo Ibarra.
Nilapitan niya ito at tinanong kung may matutulong siya. Sa pagkagitla
ni Simoun, tinanong niya si basilio kung alam ba niya kung sino siya at
sumagot si Basilio na isa raw siya sa mga taong itinuturing niyang banal
sapagkat 13 years ago tumulong ito sa kanya sa paglilibing ng kanyang
ina. Sumagot si Simoun na taglay ni Basilio ang lihim na maaaring
makasira sa kanyang mga balak.
Istorya ni Simoun:
"Siya nga ang may sakit at kalunos-lunos na nagtungo rito 13 years ang
nakalipas upang mag-ukol ng huling pagpapahalaga sa isang dakilang
kaluluwa na maringal na yumakap sa kamatayan alang-alang sa kanya."
Sinawi ng isang pusakal na sistema, naglagalag si Simoun sa iba’t ibang
part eng mundo upang magpayaman at maisakatuparan ang kanyang mga balak.
Nagbalik siya upang wakasan ang sistemang ito sa pamamagitan ng lalong
pagpapadali sa pagkabulok nito.
Ano ang ugnayan ng Video sa Kabanata?
Ang ugnayan ng video sa Kabanata 7 ay tungkol sa paghihiganti. Sa Kabanata 7: Si Simoun ay maghihiganti para
sa tatlong tao sina Don Rafael, Maria Clara, Elias at dahil sa sobrang
galit ni Ibarra sa pamamahala ng Kastila, gumawa siya ng mga plano upang
pabagsakin ito at nag-aanyaya pa siya ng ibang may matinding galit
upang magtagumpay siya.
Bilang isang Estudyante, bakit kailangan pag-aralan ang El Filibusterismo?
Nilalaman ng El Filibusterismo ang mga ideolohiya ni Jose Rizal kasama
ang mga problema ng lipunan. May kahalagahan pa ito kahit pagkalipas ng
maraming taon dahil ang mga problema noon ay nakikita pa rin sa
kasalukuyan. Ang mga sakit tulad ng kamangmangan at katiwalian ay
laganap pa rin sa lipunan.
Anong ugnayan sa iyong Sarili?
Ang ugnayan ng El Filibusterismo sa aking sarili ay marami. Una ay
nakaranas na rin ako ng discriminasyon dahil ako ay isang Pilipino at ako
ay nakatira sa Pilipinas.
Naiintindihan ko naman na mahirap alisin ang discriminasyon sa isang
bansa dahil iba-iba ang kaisipan ng tao. Pero sana ang aking hiling ay
ito ay mabawasan dahil ang ibang problema ng bansa ay nagdudulot dito.
Pero sa mga kabanata ipinakita ni Rizal kung mayroon siyang gusto ito ay
hahabulin niya hangat makuha niya ito. Ang aking ugali ay tulod kay
Rizal dahil ako ang taong hahabulin ang kanyang gusto sa buhay at hindi
titigil hangat ito ay hindi pa nakakamit.
Bilang isang pinuno sa hinaharap, paano nyo ngayon hihikayatin na pahalagahan at basahin ang El Filibusterismo?
Bilang isang lider sa hinaharap, ako ay patuloy na hayaan ang iba na
malaman ang mga libro Jose Rizal ay nilikha. Ginagawa hinaharap na
henerasyon malaman ang nakaraan ng ating pambansang bayani. Kung wala
siya, gusto naming maging sa isang mundo na puno ng pang-aalipin.
Marami tayong matutunan, mapahalagahan at ma-aalala. Pagmamahal sa
bansa, pagmamahal sa kapwang Pilipino, kaya dapat lang natin bighan
halaga
ang El filibusterismo dahil dito natin malalaman kung ano o sino talaga
ang tunay
na Pilipino.
No comments:
Post a Comment